Si OC and caring Kuya Jeepney Driver

2 wks ago, habang maulan, mahirap sumakay at kagulo mga pasahero e nasakyan ko na naman (2nd time) yung byaheng Alabang Coastal from Baclaran. So nagmamadali mga pasahero sumakay at konti mga jeep. Halos puno na so umandar na sya sabay ang mga ibang pasahero e nagaabot na ng bayad. Sinabi ni Kuya na maya maya na daw magbayad at sasabihan daw nya kami kung ok na. Isa isa daw at magsisimula daw sa kaliwa na pinakamalapit sa kanya tapos sunod sunod.  Nung sinabi nya yun e sabi ko nasakyan ko na ‘to a. haha 😀 medyo familiar nga si Kuya driver.  So nung malapit na Heritage medyo settled down na ang lahat e sabi ni Kuya na sige daw sunod sunod daw paabot na lang bayad. So un nga. masunurin naman mga pasahero. hehe 😀 meron nga lang isa. yung pang 5th na, ang tagal. Nagtitinginan na katabi nya. Walang movement o advise man lang. Medyo mukhang sosi si Ma’am. kaya yung katabi nya, after a few mins, e sabi na “Ate, ikaw na daw po ang magbabayad”. Ang tagal ulit bago sumagot. Sumagot din after a long pause. Nag iisip pa daw sya kung Zapote or sa Manuela sya bababa. So sinabi ni ate katabi nya dun sa driver na nag-iisip pa si Ma’am. So yung next na lang muna pinagbayad tapos after a while e nagpaabot na din ng bayad si Ma’am. Maayos ang lahat. galing ni kuya. walang nakaligtas dun na hindi nagbayad. hehe 😀

Nung nasa malapit naman kami sa Coastal na e me isang mamang nagpupumilit sumakay kahit puno na (kasi mahirap talaga sumakay that time) e sabi ni Kuya driver if ok lang sa gitna sya at puno na nga. umoo naman yung Mama. Akala ko e mag crouch lang si Mamang pasahero sa gitna sa loob ng jeep pero lo and behold, si Kuya driver e naglabas ng parang bangkito. Ang galing. I usually experience kasi pag umaga na nakasakay ako pa Coastal e nag crouch lang yung gustong makasakay ng jeep sa gitna. Nakaranas ako ng max of 4 passengers na nakacrouch lang kaya punong puno sa loob ang jeep. Pero si Kuya driver e consider nya yung ganito. me nakatabi syang bangkito. Ang galing.

Tapos dun din bago kami pumasok ng coastal e inaayos nya yung tabing ng jeep at hindi na masyadong naulan. tiniklop nya and then nung nakita nya na dun sa side namin e me hindi maayos na nakaupo, as in medyo malaki nasasakop e pinausog na (na maayos naman pagkakasabi) para daw maayos ang upo ng lahat. Thanks for the care Kuya driver!

Nakakatuwa lang. Pasensya na.  Mahabang tsika.  Share ko lang  😉

pic credit on featured image

Leave a comment